CAGAYAN DE ORO CITY-Arestado ang may-ari ng punerarya matapos magsideline umano sa pagbebenta ng iligal na droga sa Purok 5, Barangay South Poblacion, Medina Misamis Oriental.

Kinilala ang suspek na si Khristopher Exzur Pilapil Barcelona, 40-anyos, may asawa at residente sa naturang lugar.

Nahuli si Barcelona sa pamamagitan ng joint buy-bust operation ng Regional Drugs Enforcement Unit (RDEU) 10 at Medina Municipal Police Station.

Nakuha sa kanyang position ang tinatayang P170,000 na halaga ng pinaniniwalaang shabu.

Inihanda na ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa suspek.