CAGAYAN DE ORO CITY-Naging matagumpay ang pagpapabalik sa 60 container van ng mga basura sa Tagoloan Misamis Oriental patungong South Korea kahapon.

Ngunit na kabila nito ay binantaan parin ni Mindanao Container Terminal (MCT) port collector John Simon ang mga responsable sa pagtapon ng mga basura na isasama niya itong isisilid sa mga basura pabalik ng South Korea.

Ito ay kung sakaling makita niya ang mga opisyal ng Verde Soko bago ang exportasyon ng last batch ng mga basura sa darating na Pebrero 9.

Tahasan rin niyang sinabi na madaragdagan pa ang bilang ng mga mabubulok sa kulungan dahil mayroon pang mga opisyal na sasampahan ng kaso.