Nagbabala si Sangguniang Panlalawigan Committee on Finance Chairman Romel Maslog na sa ipinatutupad na 2025 re-enacted budget sa Kapitolyo Probinsyal, mga batayang suweldo, statutory obligations, at essential expenses lamang ang pwedeng magastos ng administrasyon.
Nilinaw ng opisyal na hindi makapagpapatupad ng mga bagong proyekto at programa ang lalawigan habang wala pang opisyal na corrective ordinance na naaaprubahan sa pagitan ng SP at Ehekutibo.
Ipinahayag din ng lider na isang malaking hamon ang paggamit sa 5.8 bilyong pisong re-enacted budget dahil umabot lamang sa mahigit 3 bilyong piso o 56.41 porsyento ang actual income na nakolekta noong taong 2025.
Dahil dito, tiniyak ng komite na patuloy nilang pag-aaralan ang lahat ng suportang dokumento upang matiyak na mananatili ang lalawigan sa pagsunod sa pondo at probisyon na “live within our means”.











