CAGAYAN DE ORO CITY – Kaya umanong pigilin ng mga bakuna na gawa ng kompanyang AstraZeneca at Oxford University kahit ang asymptomatic transmission ng COVID-19 na dadapo sa pangangatawan ng mga tao.

Ito ang inilahad ng isa sa mga United Kingdom resident microbiologist na taga- Cagayan de Oro City na si Dr Don Valledor na kabilang sa bumubuo ng medical team na nasa likod ng mga bakuna para labanan ang bayrus mula sa Uropa.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Valledor na ang kanilang bakuna na hindi lamang naka-pokus upang pagalingin ang positibong mga pasyente bagkus ay matutukoy rin nito ang isang indibidwal na asymptomatic kapag matupukan dahilan na hindi na makahawa sa ibang kasamahan sa bahay o trabaho.

Inihayag ni Valledor na hindi rin profit oriented ang nagawa nila na bakuna subalit for global distribution ito partikular sa mga bansa na hirap makakuha nito upang mapabilis ang pagpigil ng pandemya.

Si UK based microbiologist Dr Don Valledor

Magugunitang mas mahal pa umano ang presyo ng kape sa London kumpara sa pang-masa na presyuhan ng kanilang bakuna na nakatakdang magagamit rin ng mga Pinoy sa unang bahagi ng taong 2021.