CAGAYAN DE ORO CITY – Narekober ng tropa ng 88th Infantry “Maringal” Battalion ang walong container ng bigas at tatlong klase ng armas na ibinaon sa lupa ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) sa Sitio Buco, Banlag, Valencia City, Bukidnon.
Kabilang sa kanilang nahukay ang dalawang shotgun at isang Magnum .22 rifles kung saan inilibing sa grupo na pinangungunahan ni late commander Amana, ang commanding officer ng SDG,Company Thunder.
Nabunyag ang mga inilibing na pagkain at baril dahil sa ginawang rebelasyon ng rebel returnee na si alyas Janjan, former member ng SDG, Company Thunder, Guerilla Front 6 , SRC2, NCRMC.
Samantala, nasa mabuting kalagayan naman ang sugatang Civilian Armed Forces Geographical Unit (Cafgu) Active Auxiliary (CAA) matapos hinarass ng mga rebeldeng NPA ang army detachment ng Calabugao, Impasug-ong Bukidnon.
Ayon kay 8th Infantry Battalion Civil Military Operations officer Second Lieutenant Camille Bumatay, pinaulanan ng mg a bala ng limang miyembro ng NPA ang nasabing detachment kung kaya’t natamaan sa kaniyang braso ang CAA member.
Kung maalala, hinarass din ng tatlong NPA ang army detachment ng San Juan, Balingasag, Misamis Oriental sa kasagsagan ng paggunita ng EDSA People Power Revolution kung saan naiwan ang AK47 na magazine ng mga terorista.