Binatikos ng Xavier University Central Student Government ang pagpapatagal ng Kongreso sa pagpasa ng tunay na anti-political dynasty law kabila ng paulit-ulit na gabay ng Korte Suprema kaugnay ng Bangsamoro Electoral Code.

Ipinahayag ni Xavier University Central Student Government President Luis Nicholai Wong na kulang ang ipinagbabawal sa probisyon ng Bangsamoro Electoral Code na dalawang antas (degree) lamang imbes na apat na antas sa magkakapamilya.

Nilinaw ng lider ng mga estudyante na pinahihintulutan pa rin sa kasalukuyang alituntunin ang magkakapamilya na sabay na tumakbo sa iba’t ibang lungsod at lalawigan sa bansa.

Dahil dito, tiniyak ng organisasyon ang suporta sa Dapat Isa Lang initiative upang matugunan ang matagal nang kapalpakan ng lehislatura sa pagpapatupad ng probisyon sa 1987 Constitution.