CAGAYAN DE ORO CITY – Mapayapa na isagawa ng halos 18,000 deboto ng Black Nazarene ang kanilang taunang traslacion bilang bahagi ng kapistahan sa Cagayan de Oro City nitong taon.
Ito ay kahit sa kabila pa ng seryosong bantang pang-seguridad sa buong Mindanao kaugnay sa bombing incident na nagdulot ng pangamba ng publiko alinsunod sa December 3 explosion sa gymnasium ng Mindanao State University ng Marawi City na kumitil ng apat katao.
Sinabi ni Cagayan de Oro City Police Office spokesperson Police Lt Col Evan Viñas na sobra ang pagbaba ng mga deboto nitong taon kumpara sa nasa mahigit-kumulang 120,000 na lumahok noong taong 2023.
Bagamat inamin ng pulisya na nagsilbing ‘overkill’ ang nailatag nila na seguridad para sa traslacion subalit sasailalim pa sila ng post-assessment kung ano ang mga dahilan pagbaba ng mga deboto na naki-debosyon nitong taon.
Napag-alaman na nagsilbing alternatibo ang Cagayan de Oro para sa Nazareno devotees na nakabase sa Mindanao at Visayas regions kaysa luluwas pa sila sa Quiapo,Manila na sobra-sobra ang pagdagsa ng mga deboto.