CAGAYAN DE ORO CITY – Mananatiling bukas ang pumunuan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na maghayag ng kanilang mahahalagang katuyuan ukol sa ilang mga mainit na isyu kahit nagsilbing ‘closed door’ ang inilunsad na 128th plenary assembly nitong syudad.
Ito’y sa kondisyon na magpasang-ayunan ng mismong CBCP officials at kailangan talaga na ipaabot sa publiko kahit hindi pinayagan ang media makapasok sa kasalukuyang pagtitipon nila simula kahapon.
Sinabi ni Reverend Father Nathaniel ‘Nathan’ Lerio,SSJV at overall chairman ng 128th CBCP plenary assembly ay masyadong limitado ang kanilang access sa mga paksang tinatalakay ng mga arsobispo kasama sina Vatican’s Secretary of States Arcbishop Paul Gallagher at Papal Nuncio to the Philippines Arcbishop Charles Brown.
”Thoug,we’ve deployed some personnel of ACDO-Social Communication Apostolate but limited only to the CBCP secretariat and other than that,the committees are limited.’
Bagamat bukas ang Catholic officials sa usaping patungkol sa aborsyon at isyu sa patuloy na sigalot ng Pilipinas laban China sa West Philippine Sea una nang binigyang pahayag ni Gallagher habang nasa Maynila pa subalit maghihintay lang talaga ang publiko sa susunod nila na hakbang.
Maliban sa plenary assembly ng mga obispo nitong araw,tutungo rin sila sa bahagi ng Misamis Oriental upang magsagawa ng holy mass sa shrine ng Divine Mercy na nakabase sa El Salvador City mamayang gabi.