CAGAYAN DE ORO CITY- Hindi na nagdadalawang isip ang mga kaanak ng 58 na biktima ng malagim na Maguindanao masaker na mapapatawan ng guilty verdict ang mga akusado na nahaharap sa multiple murder case sa sala ni Quezon City Regional Trial Court Branch 221 Presiding Judge Jocelyn Solis-Reyes bukas.
Ito ang reaksyon ni Catherine Nuñez na ina ng Victor Nuñez ng reporter ng UNTV kaugnay sa ilalabas na promulgasyon ni Reyes sa kontrobersyal na kaso na hinawakan nito sa loob ng higit sampung taon.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Nuñez na nais nila na lahat mapatawan ng conviction verdict upang makuha nila ang hustisya na matagal na nila inaasam.
Inamin nito na dumaranas sila ng sobrang hirap lalo na sa aspetong pinansyal na magagamit pagpunta sa Metro Manila upang dadaluhan ang court hearings ng kaso.
Kung maalala ang nakababatang Nuñez ang pinakahuli na nakuha sa malaking hukay na pinagtapunan noon ni dating Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr na nangunguna pagpaslang sa 58 katao na kinabilangan ng 32 na kasapi ng local media.
Magugunitang nangyari ang malagim na masaker sa bundok na bahagi ng Sitio Masalay, Barangay Salman, Ampatuan, Maguindanao noong Nobyembre 23, 2009.