Puro pangako pa lamang ang nakukuha ng taumbayan mula sa Pax Silica ngunit ang realidad ay pinalayas na sa lupa ang mga katutubong Aeta at mga magsasaka sa Central Luzon.
Binatikos ni dating Bayan Muna Representative Attorney Carlos Isagani Zarate ang pagbuhos ng gobyerno ng bilyon-bilyong piso sa naturang proyekto at sa ASEAN Summit imbes na ilaan sa lokal na agrikultura para sa seguridad sa pagkain ng bansa.
Sa kabila ng ipinagmamalaki ng administrasyon na 500,000 trabaho bawat taon, kalahati lamang nito ang naabot habang nagdurusa ang taumbayan sa krisis at pagtaas ng presyo ng langis, dagdag ni Zarate.
Malinaw na interes ng mga dayuhang kapitalista ang inuna ng gobyerno lalo na’t binigyan pa ng red carpet welcome si United States President Donald Trump na siyang nagdala ng kaguluhan sa buong mundo.











