CAGAYAN DE ORO CITY – Mataitim na pagdarasal habang nilalabanan ang naramdaman na kaba ang kadalasan na ginawa sa ina ng dating paslit na basurero na kasalukuyan nang lumalaban para madagdagan ang gold medal sa Pilipinas sa pamamagitan ni Olympian boxer Carlo Paalam.
Ito ang paglalahad eksklusibo sa Bombo Radyo sa ina ni Carlo na si Gng Jocelyn Paalam kaugnay sa tumitindi na laban ng anak kung saan ikakaharap nito ang 2016 Rio Olympics gold medalist Shakho-bidin Zoirov ng Uzbe-kistan sa kanilang quarterfinals fight sa Tokyo Olympics sa Japan bukas.
Inihayag ni Gng Paalam na kahit isang laban ng kanyang anak ay wala itong aktuwal na pinanood dahil hindi nito kakayanin makita na mabugbog kaya mas minabuti umano niya na magkulong sa kuwarto at magdarasal.
Sinabi pa nito na gustuhin man nila na makatulong na mapagaan ang tinatahak na sakripisyo ng anak subalit tanging pag-aalay panalangin lang talaga ang kanilang magagawa na magtagumpay ito sa lahat ng mga sinu-ong na laban.
Inamin ng ina na tumatayong ‘bread winner’ ng buong pamilya si Carlo simula nang napabilang sa boxing national team.
Kaugnay nito,umapela ang pamilya Paalam na maliban sa kanila na walang humpay ang pagdarasal para kay Carlo ay sana sasamahan rin sila ng mga kababayan na manalangin para sa tagumpay na makakuha ng karagdagang gold medal pabor sa Pilipinas.
Si Carlo ay nagsisimula sa edad 7 na mag-boksing hanggang nadiskobre ng RP team at nagtuloy-tuloy na ang tagumpay ng karera at naisakatuparan na umaabot sa Olympics.