Makatitipid ng milyon-milyong piso ang mga lokal na pamahalaan sa paggamit ng bagong e-Legis system.

Ayon kay Vice Mayors’ League of the Philippines National President Vice Mayor Maynard Francis Bumanglag, sa ginanap na VMLP 30th National Convention dito sa Cagayan de Oro, aabot lamang sa dalawampu’t apat na libong piso bawat taon ang bayarin ng isang LGU para sa maintenance ng naturang digital platform, malayong-malayo sa ibang sistema na gumagastos ng tatlong milyon hanggang limang milyong piso.

Sinabi ni Bumanglag, naisakatuparan na rin ito matapos ang dalawampu’t dalawang taon gamit ang sariling pondo ng VMLP at sa tulong ng UP Center for Local and Regional Governance.

Sa pamamagitan nito, mabibigyan ng parehong pagkakataon ang mga lungsod at munisipyo dahil hindi na kinakailangan pang bumiyahe nang malayo upang humingi lamang ng kopya at gayahin ang mga magagandang ordinansa mula sa ibang lugar.