CAGAYAN DE ORO CITY-Naniniwala ang mga kapatid nating Muslim sa buong bansa na ang pagkakaisa ang magiging pinakamabisang sandata upang labanan ang kinakaharap nating krisis na epekto ng coronavirus pandemic.
Sinabi ni Almarim Centi Tillah, presidente ng Muslim Association of the Philippines na hindi maaring pabayaan na lamang ang gobyerno sa pagpuksa ng virus.
Nananawagan siya sa lahat ng Muslim, Kristiyano at lumad sa buong Pilipinas na magkaisa at gawin ang mga nararapat upang tuluyan na tayong makaahon sa kinakaharap na problema na dulot ng COVID-19.
Iginiit niyang dapat tumulong ang bawat isa sa mga ginawang hakbang ng gobyerno para sa ikabubuti ng lahat.