CAGAYAN DE ORO CITY –Tila ‘business as usual’ para sa mga manggagwang Pinoy kahit naka-lockdown dahil sa panganib na dala ng Coronavirus Disease (COVID-19) ang bansang Australia.
Iniulat ng Bombo Radyo interational correspondent na si Demver Tumamak ng Northern Territory ng Australia na dahil sa maaga na pagpatupad ng lockdown hindi nawala ang pokus ng gobyerno upang sugpuin ang paglaganap ng bayrus.
Inihayag ni Tumamak na katunayan ay tila hindi masyado ramdam ng mga Pinoy ang krisis dahil kadalasan sa kanila ay nagtatrabaho sa mga ospital at ibang essential businesss establishments kaya walang nawalan ng trabaho.
Dagdag nito na upang saluin ang pagbagsak ng ekonomiya ng Australia ay naglabas ng mahigit $ 189 billion stimulus package si Australian Prime Minister Scott Morrison upang magamit ng mga apektadong residente at mga trabahante.
Katunayan,nasa tig 1,100 dollars kada-residente ang bigyan ng gobyerno sa mga apektadong indibidwal kada-dalawang linggo sa loob ng anim na buwan.
Ito umano ang dahilan na tila hindi masyado ramdam ng mga Pinoy ang krisis dahil sa lingguhan na tatanggapin na P30,0000 upang pangtustos sa pangangailangan nila habang nasa banta pa ang Australia ng bayrus.