CAGAYAN DE ORO CITY – Magkalahong saya at kaba ang naramdaman ng mganaiiwang mga pamilya ng 58 na biktima sa malagim na masaker na itinuring na kagagawan ng pamilyang Ampatuan sa Maguindanao higit 10 taon na ang nakalipas.
Ito ay kaugnay sa nakatakdang pagpapalabas ng promulgasyon sa multiple murder case sa sala ni Quezon City RTC Branch 221 Presiding Judge Jocelyn Solis Reyes laban sa mga akusado bukas sa alas 9:00 ng umaga.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag sa dating tagapagsalita ng Pangulong Rodrigo Duterte na si Atty Harry Roque na abogado ng 19 na pamilya ng masaker na umaasa sila na mapatawa ng conviction verdict ang lahat ng 109 akusado na pinangunahan ng magkapatid na Andal Ampatuan Jr at Zaldy Ampatuan.
Sinabi ni Roque na walang iba na hinangad ang mga pamilya sa namatayan kung hindi ay makuha ang matamis na hustisya laban sa mga pumatay sa kanilang mga mahal sa buhay.
Dagdag nito na hinangad ng mga pamilya sa namatayan na magiging malaking pamasko para sa kanila kung lahat mapapatawan ng guilty verdict mula sa sala ni Reyes.
Inihayag ng abogado na bago sila tutungo sa korte ay magtitipon muna sila sa mga kaanak ng mga namatayan saka tutungo bukas sa promulgasyon ng kaso.