Ayon sa pinahigpit na paraan ng pamamahala doon sa Estados Unidos, nabahala at kinabahan ngayon ang mga Pilipino at iba pang mga immigrant sa naturang bansa.
Ibinunyag ni Bombo International News Correspondent Jimboy Chaves mula sa Washington D.C. sa kanyang panayam sa Bombo Radyo, na brutal at napaka-estrikto ngayon ng mga patakaran sa immigration na naging malaking isyu rin sa isinagawang US Midterm Elections.
Dagdag pa ni Chaves mula sa kanyang nakita sa kanyang pinagtatrabahuhang paliparan, may sapat na kapangyarihan ang Immigration and Customs Enforcement o ICE na mang-aresto at mag-detain sa kanino mang immigrant na may maliit na usapin, kahit pa man kompleto at tama ang kanilang mga papel.
Sa kabila ng naturang sitwasyon, nilinaw ng correspondent na malaki ang takot at kaba ngayon ng mga tao na lumabas ng kanilang mga tirahan.











