CAGAYAN DE ORO CITY- Ginising ng mga pagsabog ang overseas Filipino workers mula sa mga malalakas sa rockets launchers na ipinalipad ng Iranian forces sa Irbil City,Iraq kaninang madaling araw.
Ito ay matapos sinimulan na ng Iran ang paghihigante nila laban sa Estados Unidos nang binomba ang ilang military bases na nakabase sa Iraq.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ng Pinay worker na si Ruby Los Baños na nagising na lamang ito dahil sa sobrang lakas ng mga pagsabog.
Inamin rin nito na natatakot na sila partikular ang mga Pinoy na nakabase sa syudad ng Baghdad ,Iraq na tina-target ng Iran.
Bagamat walang naiulat ng mga Pinoy na natamaan sa ginawa na pagpapaulan ng rockets ng Iran tungod sa US military bases sa Iraq.
Nag-ugat ang military action ng Iran dahil pinatay ng Amerika si Iranian Islamic Revolutionary Guard Corps head Major General Qassim Soleimani habang nasa Iraq noong nakaraang linggo.