CAGAYAN DE ORO CITY- Direkta nang humingi ng tulong ang mga Pinoy na apektado ng coronavirus disease (COVID-19) kay Pangulong Rodrigo Duterte habang sila ay nakikipagsapalaran sa bansang Romania na sakop ng Europe continent.
Ito ay matapos nasa 80 percent ng mga Pinoy sa Romania ang nawalan ng trabaho dahil sa pagbagsak ng ekonomiya epekto ng bayrus.
Iniulat ni Bombo Radyo international correspondent Josephine David na sila-sila na lamang ang kumukop ng mga kababayang Pinoy na naghihirap dahil sa biglaan na pagkawalan ng kanilang trabaho.
Inihayag ni David na nadismaya sila kay DOLE Secretary Silvestre Bello III na mas nabigyan pa ng prayoridad ang Cyprus na maliit lamang ang kaso ng bayrus kumpara sa Romania na maraming Pinoy ang naghihirap ng hanap buhay.
Ito ang dahilan na nagagalak sila na natunton ng Bombo Radyo ang kanilang lokasyon upang mapaabot kay Duterte ang kanilang sitwasyon at umaasa na mabigyang aksyon ang kanilang kalagayan.
Bagamat walang naitala na anumang fatalities sa mga Pinoy sa Romania na kasalukuyang naka-lockdown nang mapasok ng bayrus.