CAGAYAN DE ORO CITY- Kinumpirma ng isang taga-Cagay-anon at nakabase na ngayon sa Naples, Florida na nagsimula nang mag-panic buying ang mga residente sa nasabing bansa.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo kay Mimi Schulz, sinabi nito na nagkaubosan na sa mga mga establisimiyento ang suplay ng mga bottled water, tinapay, canned goods lalong lalo na ang gasolina.

Aniya, naghahanda na rin sila kung kinakailangan nilang mag-evacuate sa oras na dadaan sa Naples ang category 4 ng Hurricane Dorain.

Napag-alaman na aabot sa 150,000 ka mga Pinoy sa Florida ang nanganganib na maapektuhan sa masamang panahon.