CAGAYAN DE ORO CITY – Umapela ng panalangin sa mga kapwa Pinoy ang overseas Filipino worker na mahigit dalawampung taon na nagtatrabaho sa Beirut City,Lebanon.
Ito’y may kaugnayan sa pinakahuling trahedya na nangyari sa bansa kung saan maraming buhay ang nawala.
Ayon kay Lebanon Bombo Radyo international correspondent Therese Pontillas nadagdagan na naman ang problema ng mga Lebanese dahil sa nangyaring pagsabog.
Aniya, nahaharap na sa problema sa pulitika at kurapsyon ang bansa dahilan sa unti-unting pagkasira ng ekonomiya nito.
Dahil dito, nanawagan ng panalangin si Pontillas na malagpasan ng mga Lebanese ang mga kinahaharap nitong pagsubok sa kanilang bansa.
Si Pontillas ay 29 na taon nang nakatira sa Beirut City,Lebanon.