CAGAYAN DE ORO CITY-Umabot na sa 55 na mga personahe ng Police Regional Office (PRO) 10 ang tinamaan ng COVID-19 sa rehiyon kabilang na dito ang 28 pulis ng Cagayan de Oro City Police Office (COCPO).

Sinabi ni PRO-10 spokesperson Lt. Col. Mardy Hortillosa na ang tatlo sa mga nagpositibo ay nasa ospital na habang ang iba naman ay nasa temporary treatment and monitoring facility ng magkaibang LGU’s sa amihang mindanao.

Sa kabila nito, siniguro naman ni Hortillosa na sapat parin ang kanilang pwersa para sa pagbigay serbisyo sa publiko lalo na sa kampanya laban sa illegal na droga at sa mga masasamang elemento.