Kinakailangang ibalik ang mga pondo ng gobyerno na ginamit sa masamang intensyon matapos ibasura ng Korte Suprema ang General Appropriations Act (GAA) sa mga nakaraang taon.

Sa panayam ng Bombo Radyo, nagpahayag si Duterte Panagutin Campaign Network Convenor Atty. Jojo Lacanilao na sa ilalim ng Operative Fact Doctrine, yaon lamang pondong nagastos sa tamang paraan ang hindi na babawiin ng gobyerno.

Dahil dito, matuturuan at mapatatalas ang pamamahala sa kaban ng bansa upang matiyak na nakatuntong sa Konstitusyon ang bawat paglalabas ng pondo.

Subalit, nananatili ang paalala na kinakailangang may managot sa mga pondong ginamit sa tiwaling paraan.