CAGAYAN DE ORO CITY – Inilikas ngayon ang maraming pamilya sa ilang bahagi ng Misamis Occidental at maging sa syudad ng Gingoog ng Misamis Oriental.

Gingoog City

Ito’y epekto sa malawakang pagbaha na sanhi pag-apaw ng ilang mga ilog kung saan matatagpuan ang mga barangay na tinitiran ng mga residente.

Sinabi ni Misamis Occidental Gov. Henry Oaminal,maliban sa mga maraming pamilya ang inilikas sa city at municipal gymnasiums ng probinsya,walong kabahayan na ang tinangay ng tubig-baha sa kanyang nasasakupan.

Pinahahanda na rin nito ang Sangguniang Panlalawigan para sa posibleng pagpatawag ng special session dahil sa epekto ng pagbaha.

Ozamiz City

Samantala,ilang mga pamilya na rin ang inilikas sa Gingoog City.

Oroquieta City

Ito ay bunsod pa rin ng mga pag-apaw ng tubig-baha sa ilang ilog na sakop sa lugar.

Maliban rito,maging ang ilang bahagi ng Balingasag,Misamis Oriental ay bumabaha na rin.

Magugunitang dahil sa epekto ng shearline o pagtagpo ng mainit at malamig na hangin at malakas na NorthEast moonson sa bandang Luzon ay nag-resulta ng malawakang mga pag-ulan ang Visayas at Mindanao kagabi.