MILF,iniwasan maging balakid sa BARMM ang 6 na bayan ng Lanao del Norte
CAGAYAN DE ORO CITY-Hindi tatalikuran bagamat isasama ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang anim na bayan ng Lanao del Norte na tatamasa kung anuman ang mabuting idudulot na hinangad nila na kasaganaan para rehiyon ng Bangsamoro sa Mindanao.
Ito ay kaugnay sa nalalapit na pagsasailalim ng plebesito ng Lanao del Norte maging halos 40 na barangay sa North Cotabato upang mapasama sa proposed Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) sa darating na Pebrero 6,2019.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni MILF peace implementing panel chairman Mohaguer Iqbal na batid nila na mariing tinutulan ng provincial government ng Lanao Norte na makuha nila ang anim na bayan subalit hindi rin umano sila makakapayag na iiwanan ito.
Sinabi ni Iqbal na bahagi ng kanilang matagal na pakikipagdigmaan at pakikibaka noon ang mga residente sa Lanao del Norte hanggang umabot sa GRP-MILF peace negotiation para mabigyan ang Bangsamoro Region ng sariling otonomiya.
Inihayag ng opisyal na kung matagumpay sila na kumbinsihin ang Cotabato City na natukoy na mayroong malakas na pagtutol ang local government unit,umaasa rin ito na ganito rin ang magiging resulta sa plebesito sa Lanao del Norte.
Inamin nito na tanging Lanao del Norte lamang ang magiging mainitan ang plebesito sapagkat sa North Cotabato ay mismo ang kanilang elected officials ay payag mapabilang sa BARMM.
Magugunitang kabilang sa mga bayan na nais masakop ng BARMM sa Lanao del Norte ay kinabilangan ng Nunungan, Tangkal, Munai, Pantar, Balo-i ug Tagoloan-II.