CAGAYAN DE ORO CITY – Naka-kustodiya na sa warehouse ng Bureau of Customs (BoC-10) ang halos P4 milyon na halaga ng peke ng mga sigarilyo na umano’y nagmula sa Zamboanga del Sur at nais ipuslit sa mga probinsya ng Lanao del Sur.
Ito ay matapos naharang nang pinag-isang operasyon ng BoC Police at Lanao del Sur Provincial Police Office ang kahun-kahon na mga peke na mga sigarilyo sa quarantine checkpoint ng Barangay Pawak,Saguiaran sa nasabing bayan.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni BoC-10 spokesperson Angelo Andrade na unang hinanapan ng mga otoridad ng quarantine passess at medical certificates ang driver ng wing van at dalawang kasamahan nito subalit wala itong naipapakita kaya agad pinagdududahan kung ano ang kanilang pakay pagpasok sa Lanao Sur province.
Tumambad sa mga otoridad ang halos 3,500 na reams ng sari-saring mga sigarilyo na walang kaukulang mga permit o kaya’y stamps na mula sa Bureau of Internal Revenue.
Natuklasan na umano’y binayaran ang mga suspek na sina Reyson Tolla, Michael Chrysler John Gonzaga at Owen Lestojas na kapwa taga-Cagayan de Oro City para ipalusot ang nasabing kontrabando.
Una nang tinakpan ng junked foods packs ang mga karton ng mga sigarilyo upang hindi sana mahuli.
Kinaharap ng mga suspek ang paglabag ng quarantine protocols at posible rin ang Tarriff and Customs Code of the Philippines violations laban sa may-ari ng kontrabando.