CAGAYAN DE ORO CITY – Kinompiska ng Bureau of Customs -Cagayan de Oro ang misdeclared imported shipments na cargo mula sa bansang South Korea.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni BoC-CdeO collector John Simon na ang pagkompiska ng 400 na bundles ng used clothings ay naka-consigned sa Humility Trading na unang ipinalusot sa Mindanao Container Terminal (MCT) ng Tagoloan,Misamis Oriental noong nakaraang linggo.
Inihayag ni Simon na unang nagkunwari ang consignee na used blankets,pillow case at mga laruan subalit mga ‘ukay-ukay’ na isinakay ng ilang container footer vans na dumaong sa MCT ng lalawigan.
Dagdag ng opisyal na nalabag umano ng consignee ang section 1400 misdeclaration, misclassification,undervaluation ng goods declaration may kaugnayan sa Section 1113 ng Republic Act 10863 o Customs Modernization and Tariff Act.
Nalabag rin ng Humility Trading ang Republic Act 4653 o An Act to Safeguard the Health of the People and Maintain the Dignity of y of the Nation by Declaring it a National Policy to Prohibit the Commercial Importation of Textile Articles Commonly Known as Used Clothing and Rags kaya inilabas ang warrant of seizure and detention laban sa kontrabando.