CAGAYAN DE ORO CITY – Hiningi ni Cagayan de Oro 2nd District Representative Rufus Rodriguez ang pag-resign sa pwesto ni PMA Superintendent Lt. Gen. Ronnie Evangelista.

Ito’y may kaugnayan sa pagkamatay sa 20-anyos na si Philippine Military Academy cadet Darwin Dormitorio dahil sa hazing.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo kay Rodriguez sinabi nito na dismayado siya dahil hanggang ngayon hindi pa rin natigil ang hazing sa loob ng akademya kahit may batas na nagbabawal nito.

Dagdag pa ng mambabatas na pangungunahan niya ang gagawing legislative investigation upang managot at maparusahan ang mga cadet’s upperclassmen at academy officials na mapapatunayang sangkot sa pagkamatay ni Dormitorio.

Tiniyak din ni Rodriguez sa pamilya ni Darwin na mabigyan hustisya ang kaniyang pagkamatay sa loob ng kuwartel sa Fort Del Pilar sa Baguio City.