Nilinaw ng National Food Authority Region 10 na purong lokal na palay mula sa mga magsasaka sa bansa ang kanilang binibili at inilalabas na bigas sa merkado.
Nagpahayag sa Bombo Radyo si Regional Director Miguel Teczon na wala na sa mandato ng kanilang tanggapan ang mag-import ng bigas mula sa ibang bansa habang humaharap ang bansa sa mga epekto ng Super El Niño.
Idinagdag din ng opisyal na de-kalidad at maganda ang resulta ng paggiling sa kanilang nabiling palay mula sa mga lokal na magsasaka.
Dahil dito, ipinagmalaki ng tanggapan na ang kanilang bigas na ipinamamahagi sa publiko ay kapantay at katumbas na ang kalidad ng mga commercial rice na ibinebenta sa merkado.











