CAGAYAN DE ORO CITY – Nagdulot nang pagkabahala para sa iilang kasapi ng local media ang pagkabaril-patay ng isang anchorman ng 94.7 Gold Calamba habang nasa kasagsagan ng kanyang programa sa mismo booth nito sa loob ng bahay nila sa bayan ng Calamba, Misamis Occidental.

Kinilala ni Police Regional Office 10 spokesperson Maj. Joann Navarro ang biktima na si Juan Jumalon,legal age alyas John Walker, nasa legal na edad at nakatira sa lugar.

Sa kuha na footages sa crime scene, motorycle in tandem suspects ang umatake sa biktima habang nasa naka onboard ito ng kanyang programa.

Sinabi ni Navarro na agad nasawi ang biktima dahil sa dalawang tama ng mga bala ulo sa hindi pa tukoy na uri ng baril.

Ninakaw pa ng salarin ang alahas ng biktima bago tumakas sa hindi pa tukoy na direksyon.

Inaalam pa ng pulisya ang dahilan at motibo ng kremin.

Kaugnay nito, agad naglabas pahayag ang mga opisyal ng Cagayan de Oro Press Club ng mariing pagkondena sa pangyayari at pinag-iingat ang lahat ng media practitioners laban sa tumitinding pang aatake sa malayang pamamahayag.