CAGAYAN DE ORO CITY-Hinamon ni Misamis Oriental Governor Yevgeny Vincente “Bambi” B. Emano si Cagayan de Oro City Mayor Oscar Moreno na mas mabuting hanapan na lamang ng solusyon ang patuloy na paglubo ng kaso ng COVID-19 sa Siyudad.

Itoy matapos magbigay ang alkalde ng kanyang opinyon sa pag TRO ng korte sa P3.5 bilyon pesos na budget sa lalawigan para sana sa taong ito.

Inalmahan kasi ng ilang boad members ang budget dahil may mga proseso umano na hindi nasunod.

Sinabi ni Gov. Emano hindi na dapat patulan ang paggawa ng eksena ni Mayor Moreno at sa halip mas mabuting pagtuon na lamang daw ng alkalde ang mga problemang kinakaharap ng lungsod.