CAGAYAN DE ORO CITY – Nagtala ng mahigit-kumulang P1.4 milyon ang initial structural damage ang pagkasunog ng kaisa-isang provincial health office at damay rin ang tanggapan ng Misamis Oriental Care System o MisOr Cares nang sumiklab ang malaking sunog sa capitol compound na nakabase sa Barangay 27,Cagayan de Oro City kagabi.
Ito ay matapos nasa 80 porsyento ang pagkatupok ng apoy sa nabanggit na tanggapan na una umanong nagsisimula sa dirty kitchen ng provincial engineering motorpool at agad kumalat sa ibang gusali.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni City District Fire Marshall Supt Allan Cabot na inaalam pa ng kanilang imbestigador ang kung ano ang dahilan ng sunog na unang nasilayan ng ilang saksi na nagmula sa likod ng motorpool.
Inihayag n Cabut na bagamat ligtas naman ang lahat ng mga trabahante at walang nasugatan nang tumambad ang malaking apoy.
Samantala,kinompirma naman ni Provincial Gov Bambi Emano na naisalba nila ang nasa 30 vials sa natitirang Sinovac vaccines na nasa storage facility ng PHO.
Ito ay batay rin sa iniulat ni PHO chief Dr Jerie Calingasan kung saan nagpapasalamat na hindi pa nila nakuha ang panibagong alokasyon ng mga bakuna mula sa national government para sa medical frontliners sa probinsya na dumating sa syudad kahapon ng umaga.
Dagdag ng gobernador na maging sila rin ng provincial government ay magsasagawa ng sariling imbestigasyon kaugnay sa pangyayari.
Bagamat hindi masyadong maapektuhan ang medical services dahil maraming gamot pa naman ang walong district hospitals at pansamanatal na ililipat sa ibang tanggapan ang mga trabahante mula sa nasunog na mga gusali.