CAGAYAN E ORO CITY – Pumasa at napahanga ang mga kumakatawan mula sa Department of Health 10 na nagsilbing mga kritiko sa ginawa na vaccination simulation exercise kaugnay sa walang humpay na pakikipaglaban sa COVID-19 ang provincial inter-agency task force ng Misamis Oriental.
Ito ay matapos sinubok ni Provincial Governor Bambi Emano ang kahandaan ng kanyang IATAF kasama ang district hospital doctors at municipal health officers kapag tuluyan ang makarating at ituturok ang libreng mga bakuna para sa mga residente ng Misamis Oriental laban sa bayrus.
Inihayag ni DoH-10 assistant regional director Dr David Mendoza na impresibo naman ang resulta ng simulation subalit kailangang dapat ma-improve pa ang ibang aspeto upang maiwasan na sasablay ang proseso sa mismong aktuwal na pag-administer ng mga bakuna.
Sinabi ni Mendoza na hindi naman mahirap ma-improve ang kakulangan ng Misamis Oriental at katunayan ay umaasa ito na magtagumpay sila na mabakunahan ang nasa 18,000 na residente nito sa loob ng kasaluluyang quarter ng taong kasalukuyan.
Sa panig naman ni Emano na maluwag nila tinanggap ang mga obserbasyon upang mas matiwasay ang pagsasagawa ng actual vaccination program para sa probinsya.
Magugunitang mula sa pagdating ng mga bakuna,pagtanggap at paglagay sa storage facility maging pag-administer ng targeted beneficiaries ay isinagawa na sinaksihan hindi lamang ng buong lalawigan subalit maging ang provincial at municipal health officers mula Pangasinan,Batangas,Mindoro,Cebu Province,Antique, Saranggani Province, Surigao del Norte, BARMM at mismo sa Bukidnon at Camiguin.