Tinanggap at sinuportahan ng Iglesia Filipina Independiente ang inilabas na moratorium ng Mines and Geosciences Bureau laban sa mga minahan sa bayan ng Opol at sa Iponan River.
Ipinahayag ni IFI Opol Parish Priest Father Jong Abejo na magandang hakbang ito lalo na’t ibinunyag ng kepulisan na isang Tsino ang sinasabing nagpopondo sa nahuling ilegal na minahan sa Tuburan noong Biyernes.
Nagbabala ang pari na hindi nararapat ibenta ang mga mineral ng bansa sa mga dayuhang negosyante dahil ang komunidad at ang susunod na henerasyon ang magdurusa sa huli.
Hiningi rin ng lider ng simbahan sa gobyerno na magbigay ng tunay na suporta sa agrikultura upang hindi na mag-umpisa o mag-depende sa pagmimina ang mga magsasaka at katutubo.











