CAGAYAN DE ORO CITY-Sinampahan na ng kasong reckless imprudence resulting to homicide at physical injury ang truck driver na nakasagasa sa motorista sa Baloy, Barangay Tablon nitong lungsod.

Kinilala ang suspek na si Joey Manaran, 27, na residente sa Lingawngaw, Balingasag, Misamis Oriental.

Nalagutan ng hininga sa insidente ang biktimang si Kim Pahunang, 27, may-asawa na nakatira sa Brgy Balubal sa kaparehong lungsod habang ginagamot naman sa ospital ang backride nito na si Marvin Dalapag ng Villanueva nitong lalawigan.

Sinabi ni Senior Master Sgt. Rolito Castillo, imbestigador ng Cugman Police Station na isinampa na nila ang kaso kahit may gagawing amicable settlement ang bawat kampo bilang pagsunod sa tamang proseso.