CAGAYAN DE ORO CITY – Mainit na sinalubong ng kanyang mga kababayan ang tila fairytale homecoming ng reigning 2021 Ms Intercontinental title holder na si Cindy Obeñita sa Cagayan de Oro City,Misamis Oriental.
Ito ay matapos ang ilang linggo na nakalipas na masungkit ni Cindy ang pangalawa na korona para sa Pilipinas mula sa pagtigasan ng talino at ganda sa bansang Egypt noong Oktubre 29,2021.
Bago tumuloy sa Apple Tree Resort and Hotel ang 25 anyos na Cagayan de Oro beauty queen ay isinagawa muna ang motorkada mula sa paliparan ng Laguindingan Airport hanggang sa bayan ng Opol na kapwa nakabase sa Misamis Oriental kahapon ng hapon.
Kaugnay nito,labis ang pasasalamat ni Cindy na mainit itong sinalubong ng kanyang pamiya,mga ka-trabaho,kakilala at supporters.
Nakatakda ring dadalo ng lingguhang flag raising ceremony ng provincial government via zoom ang beauty queen bago ito haharap sa local media ngayong araw.
Si Cindy ay naparito sa lungsod para bibisitahin ang ilang mga bayan ng Misamis Oriental na bahagi ng kanyang trabaho bilang reigning Ms Intercontinental 2021.
Ito ang kanyang panglawang ‘homecoming’ matapos manalo bilang Bb Pilipinas-Intercontinental dahilan na siya ang kumakatawan sa Pilipinas sa bansang Egypt.