CAGAYAN DE ORO CITY – Naging makulay ang pagbubukas ng 8th Mindanao Fashion Summit dito sa lungsod ngayong araw.

Itoy dahil sa pagdalo ni Ms Universe Philippines Gazini Christiana Ganados sa nasabing okasyon na kabilang sa mga core events sa Higalaay Festival 2019.

Maliban kay Gazini, nagbigay ningning rin ang presinsiya ni Ms World Philippines 2018 Katrina Rodriguez.

Dahil sa pagdalo ng dalawang beauty queens, hindi ma-ipenta ang kasiyahan ng mga taong naroon sa okasyon.

Naging tampok rin sa fashion summit ang actor-model na si Kit Thompson kung saan kanyang nirampa ang mga damit na gawa ng mga fashion designers mula sa ibat-ibang bahagi ng Mindanao.

Nauna rito, naki-enjoy rin si 2015 Ms Universe Pia Wurtzback sa isinigawang Cagayan de Oro Horse Riding at Carnival Street Dance competitions.