CAGAYAN DE ORO CITY – Dumepensa maging si top 16 contender Caroline Joy Veronilla ng Misamis Oriental kaugnay sa nakuhang panalo ng Iloilo City’s pride na si 2020 Miss Universe Philippines Rabiya Mateo.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Veronilla na karapat-dapat naman talaga si Rabiya ang hirangin na pinakaunang Ms Universe Philippines dahil sa mga ipinakita nito na performance ng kompetisyon.
Inihayag ni Veronilla na ayaw nitong sumali sa mga hindi maganda na mga pananalita ng ibang mga kandidata dahil lahat naman umano sila ay nagsusumikap at nagkataon na pumanig kay Mateo ang suwerte upang manalo at kakatawan ng bansa para sa 2020 Ms Universe.
Kaugnay nito,hinikayat ng Misamis Oriental beauty queen na kasalukuyang nagta-trabaho sa World Vision na mag-move on na ang matamis na sariwain ang kanilang karanasan na nabilang sa katatapos lamang na national beauty pageant.
Dagdag nito na bagamat hindi nito isinara ang pintuan na sasabak muli ng national beauty pageants sa hinaharap subalit mas gusto niya na makauwi para makapahinga kasama ang pamilya at makapag-pasalamat na rin sa mga suporta mula sa local government unit ng Misamis Oriental ni Governor Bambi Emano at ng kanyang fans ng rehiyon.