Naniniwala ang National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) na hindi kinakailangang humantong sa pagsasampa ng cyber libel si Congressman Pulong Duterte laban sa GMA News.

Ayon kay NUJP Secretary General Paul Soriano, may mas angkop na paraan tulad ng pagsulat o pakikipag-usap sa istasyon kung may reklamo sa inilabas na balita.

Ipinahayag din ng opisyal ang kanilang pangamba dahil ginagawang sandata ng mga opisyal ng gobyerno ang libel upang patahimikin at takutin ang mga peryodista sa bansa.

Dahil dito, hinimok ng grupo ang mga lider ng pamahalaan na ibukod ang paghawak sa mga reklamo upang maprotektahan ang malayang pagbabalita ng midya.