CAGAYAN DE ORO CITY-Isasailalim sa lockdown ang Municipal hall ng Jasaan Misamis Oriental matapos magpositibo sa COVID-19 ang alkalde.

Sinabi ni Upper Jasaan Brgy Kapitan Alan Leuterio, namatay sa COVID-19 ang isang staff ni Jasaan Mayor Redentor Jardin kaya isinailalim ito sa swabtest at kahapon ng hapon lumabas ang resulta na positibo sa coronavirus ang alkalde.

Nakaranas ang alkalde ng kunting kirot sa kanyang lalamunan ngunit nasa maayos naman na kalagayan.

Ayon kay Leuterio, naka home quarantine na si Mayor Jardin habang naka-isolate din ang kanilang Vice Mayor at ilang opisyal matapos kabilang ang mga ito sa direct contact.