Nangilabot sa lungkot at nadismaya ang maraming observer sa Bangsamoro dahil sa hindi pagpapatuloy ng MILF-led governance sa ilalim ni Chief Minister Ahod “Murad” Ebrahim sa BARMM Parliament.
Ipinaliwanag ni Atty. Badrodin “Bador” Mangindra na maaga at hindi pa sana panahon upang maghalalan dahil hindi pa natatapos ng MILF leadership ang mga importanteng batas tulad ng Bangsamoro Revenue Code.
Iginiit ng abogado na nabalam ang tunay na hakbang sa peace process dahil sa pagpasok ng impluwensya ng mga nakaupong politiko at kontrobersyal na desynchronized election.
Dahil dito, nanawagan ang legal expert na nararapat tingnan ng Korte Suprema at Comelec ang mga lumabag sa Bangsamoro Organic Law upang hindi matibag ang matagal nang ipinaglabang self-determination ng Bangsamoro.











