CAGAYAN DE ORO CITY-Umakyat na naman ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 nitong lungsod.

Itoy matapos naidagdag sa listahan ang panibagong apat na mga pasyente na pawang mga LSI at returning OFW’s.

Sinabi ni City Health Office (CHO) head Dra. Lorraine Nery na sa kabila ng 169 na mga COVID-19 positive sa lungsod, hindi na nadagdagan ang local cases.

Masaya naman niyang ibinalita na umabot na sa 100 ang mga nakarekober sa nakamamatay na virus.