CAGAYAN DE ORO CITY-Wala ng buhay nang matagpuan ang isang babae sa loob ng room 251 sa isang Inn sa Aguinaldo St., Brgy. 32 nitong lungsod.

Kinilala ang biktima na si Merly Suazo, 50-anyos at residente sa Balongis, Brgy Balulang.

Sinabi ni Cpl. Genesis Babanto, imbestigador ng Cogon Police Station base sa kanilang inisyal na imbestigasyon, walang foul play sa nangyari dahil pinaniniwalaang namatay sa sakit ang biktima.

Ayon kay Babanto, natagpuan din nila sa loob ng kwarto ang medical abstract ni Suazo na may nakasulat na may sakit itong breast tumor.

Sa kabila nito, inirekomenda parin ng mga otoridad na isailalim sa autopsy ang bangkay upang masiguro ang dahilan ng ikinamatay nito.