Kakatwa at kulang sa impormasyon ang pinagkasunduang Pax Silica na nakatakdang lagdaan ng pamahalaan at ng Estados Unidos.

Inihirit ni BAYAN Spokesperson Teddy Casiño na hanggang ngayon ay walang inilalabas na pinal na kopya ng kontrata ang gobyerno na posibleng humawak sa lupa ng bansa hanggang 99 na taon.

Ipinalwanag ng opisyal ang kanyang pangamba na habang puro pa lamang pangakong trabaho ang ipinagmamayabang, nagsimula na ang pagpapaalis sa mga katutubong Aeta at mga magsasaka doon sa Capas, Tarlac at sa ilang lugar ng minahan.

Kaya nagbabala ang grupo na hindi pwedeng basta-basta na lamang payagan ang nasabing proyekto habang itinatago sa publiko ang mga detalye nito.