Isasagawa sa tanggapan ni Mayor Klarex Uy ang isang nakatatanging People’s Day ngayong Miyerkules sa City Hall Quadrangle para sa mga katutubong Lumad at Indigenous Peoples ng lungsod.

Ipinahayag ni City Information Officer Jade Adeser na personal na haharapin, pakikinggan, at bibigyan ng solusyon ng Alkalde ang mga pangangailangan ng mga residenteng nagmula sa mga hinterland barangay.

Nilinaw ng opisyal na inilaan ang espesyal na araw na ito para sa mga partikular na sektor tulad ng mga Lumad, mangingisda, at magsasaka.

Dahil sa inihandang programa ng lungsod, ginawang dalawang beses kada linggo ang pagbibigay ng serbisyo mula alas-siyete ng umaga hanggang ala-una ng hapon.