CAGAYAN DE ORO CITY – Pinaigting pa ng Astrazeneca-Oxford ang kanilang paghahanap ng mas mabilis at iwas kirot na paraan ng pagtuturok ng mga bakuna laban sa COVID-19.
Ito ay matapos kinompirma sa Bombo Radyo ni United Kingdom based Filipino molecular biologist Dr Don Valledor na nasa 2nd stage ng clinical trials na sila para sa nasal vaccine bilang alternative ng injectable type ng bakuna na kasalukuyang ginagamit para labanan ang pandemya.
Inihayag ni Valledor na ang nabanggit na klase ng bakuna ay i-spray lang sa targeted patients at hindi na basta-basta makahawa bagkus ay mapipigilan na agad ang bayrus na dadapo sa tao.
Dagdag ng doktor na sisikapin nila na milalabas sa mga susunod na buwan ang nabanggit na bakuna at isa ang Pilipinas na mabibigyan nito ng libre mula sa nasabing bansa.
Bagamat aminado na maging ang multi-pharmaceutical companies ay pinasok na rin ang katulad na clinical studies para magagamit ng mga tao laban sa laganap pa na pandemya.