Binatikos ni dating Misamis Oriental Vice Gov. Joey Pelaez ang NBI sa umano’y pamumulitika sa pagpapatupad ng batas.

Ayon sa kanya, pinipili lamang ng ahensya ang gustong dakpin at hindi pantay ang kanilang operasyon.

Giit niya, mas dapat unahin ang malalaking kaso kaysa sa pagdakip kay VP Sara Duterte.

Binanggit din niya na ang pahayag ni Duterte noong 2024 ay emosyonal na depensa para sa kanyang staff.

Nanawagan si Pelaez na gamitin ang pondo ng ahensya sa pagtugis sa tunay na kriminal at hindi sa pamumulitika.