CAGAYAN DE ORO CITY-Patuloy pang inaalam ng mga otoridad ang mga responsable sa kalunos-lunos na sinapit ng isang negosyante sa Iligan City.
Itoy matapos na walang habas na pinagbabaril ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek si Dexter Samson, 29 anyos, may kinakasama at residente ng Brgy Hinaplanon.
Wala ng buhay si Samson nang maabutan ng mga pulis sa Purok Pag-asa, Sitio Baraas, Brgy Tubod sa nasabing lungsod matapos magtamo ng walong tama ng kalibre 45 sa ibat-ibang bahagi ng katawan.
Sinabi ni Iligan City Police Station 4 Commander Lt. Rodney Gere na malamang malaki ang galit ng suspek dahil sa dami ng balang ibinaon sa katawan ng biktima.