CAGAYAN DE ORO CITY – Humakot ng 16 parangal ang bagong kinoronahang Miss Cagayan de Oro 2017.
Tinalo ng Brgy. Balulang beauty queen na si Katrina Zayas Acaylar ang labing isang kandidata para sa nasabing pageant sa Atrium,Limketkaim Mall,Cagayan de Oro City.
Dalawa sa major awards na kanyang nakuha ay ang Best in Swimwear at Miss Mags Casual Wear.
Napa-wow ni Acaylar ang mga hurado sa kanyang sagot sa tanong kung ano ang pangunahing suliranin na kinahaharap ng mundo sa ngayon “What do you think is the biggest problem that is being faced by our world today?”
Aniya, “War and Terrorism”, ang nangungunang problema na kinahaharap ng buong mundo.
Inihalintulad niya ang mga kaganapan sa Marawi City kung saan araw-araw maraming buhay ang nalalagas at hanggang ngayon ay hindi pa natatapos ang sagupaan ng militar laban sa mga terorista.
Kabilang sa nakalusot sa top 5 ay sina:
Ms. Brgy Balulang Marianne Serenuela – 4th runner up
Ms. Brgy Gusa Alexa Patriana – 3rd runner up
Ms. Brgy Balulang Jaymee Padilla – 2nd runner up, Best Personality
Ms. Brgy Iponon Meg Bacarera – 1st runner up, Darling of the Press at Best in Long Gown
Iba pang major awards:
Ms. Brgy Bulua Leticia Lamour Sy – Best in Talent Award
Ms. Brgy Carmen Charissa Velez – Miss Photogenic
Kabilang chairman of the board of judges ng Miss Cagayan de Oro 2017 ay si 2011 Miss Universe 3rd runner up Shamcey Supsup-Lim.
Una rito, inamin ni Acaylar na naging inspirasyon sa kanyang panalo ay ang kanyang pamilya na laging sumusuporta sa kanya.