CAGAYAN DE ORO CITY – Inamin ng National Economic Development Authority (NEDA)-10 na mas lumalala pa ang sitwasyon ng economic activities ng rehiyon matapos isinailalim sa modified ECQ ang Iligan City.
Ito’y dahil 17 percent ng economic operations ay nagmula sa Iligan City bilang isa sa mga highly urbanized city.
Ayon kay NEDA asst regional director Leonila Cajarte malaki ang naging epekto sa rehiyon ang nangyari sa Iligan City kung saan isailalim sila sa mahigpit na kwarintinas sa loob ng isang buwan.
Samantala, umabot na sa 1,222 ka mga trabahante ang nawalan ng trabaho dahil sa permanent closure ng 45 ka business establishments sa rehiyon.
Kabilang sa mga nawalan ng trabaho ang sektor sa accommodation,whole sale and retail,manufacturing,transportation, education, real state at agriculture.