CAGAYAN DE ORO CITY – Pinalakas pa ng European Union ang kanilang mga programa na naglalayong makatulong maiangat pa ang kalagayan ng Pilipinas.

Ito ang pagpaliwanag ni EU Ambassador to the Philippines Massimo Santoro kasama ang 16 na member state ambassadors na kumakatawan ng mga bansa na sakop ng unyon na sabay bumisita sa unang pagkakataon ng tatlong araw sa bahagi ng Northern Mindanao partikular sa Cagayan de Oro City at Bukidnon.

Sa pagharap ng grupo ni Santoro sa mga kawani ng media,binanggit nito ang pagdalaw nila sa Northern Mindanao ay upang makita ang maari pa nila na mabuong kooperasyon sa local government units sa usapin ng climate change,renewable energy,negosyo,edukasyon at agrikultura.

Sinabi ng opisyal na hindi na bago ang pagbigay-tulong nila sapagkat nasa halos 10 bilyon piso na ang naigugol kung saan kasalukuyang tina-trabaho ang Strengthening the implementation of regional and local peace and development agendas (SPADe) project sa ilalim ng Mindanao Peace and Development Program.

Aniya,ang proyektong ito ay sumusuporta sa tinawag na ‘conflict-sensitive;climate smart value chains at investment promotions sa Mindanao.

Maliban rito,kinamusta rin ng delegasyon ang nagging takbo ng kanilang sinuportahan na ‘tri-city justice zone’ na sakop ang Cagayan de Oro City,Iligan City at Ozamiz City na naglalayong sugpuin ang Online Sexual Abuse and Exploitation of Children at Child Sexual Abuse or Exploitation Materials.

Nakipagkita rin sila sa local govt unit officials ng Cagayan de Oro City at Bukidnon bago sila lumuwas pabalik sa Maynila.

Magugunitang simula taong 2020,pumalo na sa halos P10 bilyong pondo ang naibuhos ng EU para sa kanilang mga programa at mga proyekto na inilaan sa mga taga-Mindanao.